Ulo ng ina pinasabog ng nagpakamatay na parak

MATAPOS na barilin sa ulo ang ina ay nagbaril din sa sarili ang isang dating pulis nang maaburido sa buhay kaninang tanghali sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot si PO2 Walter Valdez, 36, dating nakatalaga sa Manila Police District-Station 9 at ina nitong si Warlita, 65.

Sa report ni PO3 Jupiter Tajonera, dakong alas-12:10 ng mangyari ang insidente sa labas ng kanilang bahay sa Mataimtim St., at Wagas St., ng Barangay 32 Zone 2 ,Tondo, Maynila.

Nabatid na si Valdez ay dating aktibo sa pagkapulis ngunit nawala ito sa serbisyo dahil sa kanyang sakit sa atay.

Napag-alaman na bago umano maganap ang insidente ay lasing at pinagagalitan umano ni Valdez ang kanyang anak kung saan tinadyakan umano nito na ikinagalit naman ng kanyang ina.

Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ina hanggang sa kinuha ni Valdez ang kanyang 9mm caliber at binaril sa ulo ang kanyang ina.

Matapos mabaril ang ina ay muntik na ring mabaril ni Valdez ang anak na si Lileth ngunit nakatakbo ito papalayo at nakapagtago sa bahay ng kanilang kapitbahay hanggang sa magbaril ito sa sintido.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply