Dating seaman nag-amok; pamilya pinagbabaril

ISANG dating seaman at padre de pamilya ang pinagbabaril ang sariling pamilya kabilang na ang kanilang kasambahay sa lungsod ng Talisay sa Cebu.

Ang suspek ay kinilalang si Emmanuel Ponce na nagbaril din matapos ang krimen.

Pinatay naman niya ang kanyang mag-iina na sina Melenda Ponce, isang bank manager; mga anak na sina Ellen Joy Ponce, 26; Peter Joy Ponce, 25; at ang kasambahay nilang si Anastacia Velliga, 30.

Nakaligtas naman ang bunsong anak na si Amber Ponce, 14-taong gulang at inutusan pa umano nito na tumawag ng ambulansya bago nagbaril sa sarili.

Inaalam pa ng Talisay PNP ang motibo sa pagpaslang ng suspek sa kanyang mag-iina. Base sa paunang imbestigasyon, may problema sa pag-iisip umano ang dating seaman.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply