DBP ginisa sa P.5 bilyon pautang kay Ongpin

SA unang pagdinig pa lamang ng Senado ay natuklasan na agad ang katiwalian sa kontrobersiyal na P660 million loan na ipinagkaloob ng Development Bank of the Philippines (DBP) kay Roberto Ongpin, presidente ng Delta Ventures Resources Inc.

Ayon kay Senate blue ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona III, nakapagtataka aniyang nakalusot ang mahigit sa kalahating bilyong pisong loan ni Ongpin na naaprubahan sa loob lamang ng ilang araw, samantalang halos laway lang ang capital nito.

Paliwanag ni Guingona, ang perang inutang ni Ongpin sa DBP ay pinambili ng shares na pag-aari rin ng bangko sa Philex Mining at ang ginamit na collateral ay ang mismong stocks na binili niya mula sa bangko.

Ayon sa senador, unang bahagi pa lamang ito ng kanilang imbestigasyon at sa susunod na pagdinig ay aalamin nila kung ang loan ay minando o tinatawag na behest loan na naisakatuparan dahil sa impluwensya ng makapangyarihang tao noong nakaraang administrasyon.

Gayunman sa unang pagdinig kanina, bigo ang mga senador na makaladkad ang pangalan ni dating First Gentleman Mike Arroyo na umano’y malapit na kaibigan ni Ongpin.

Hindi rin nakadalo sa pagdinig si Ongpin pero sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Alex Poblador, itinanggi nito ang mga akusasyon ng bagong DBP board.

Inimbestigahan ng Senado ang isyu matapos ang umano’y pagpakamatay ni Atty. Benjamin Pinpin na sinasabing iniipit ng kasalukuyang board ng DBP para idiin ang nagdaang mga opisyal sa anomalya.

Nagsampa na rin ng kasong kriminal at administratibo ang mga bagong opisyal ng DBP laban sa dating boards nito kaugnay ng natuklasang anomalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply