De Lima pumalag sa banta ni dating FG

PUMALAG si Justice Secretary Leila de Lima sa pahayag ni dating first gentleman Mike Arroyo na maghahain ito ng reklamo laban sa kanya sa paniniwalang umabuso ito  sa kapangyarihan sa pag-isyu ng watch list order (WLO).

Sinabi ni de Lima na ginawa lamang niya ang kanyang trabaho bilang kalihim ng DOJ .

Ayon pa sa kalihim, hindi simpleng kaso lamang ang kinakaharap ni Ginoong Arroyo at ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung kaya  hindi umano matatawag na “unchristian” ang mahigpit nilang pagbusisi sa requirements at clearance ng mga ito.

Gayunman, inamin ng kalihim na dahil matatapat sa long weekend at wala pa ring resulta ang berepiskasyon ni Health Sec. Enrique Ona hinggil sa medical abstract ni Ginang Arroyo ay malabong makaalis ang mag-asawa sa Nobyembre 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply