Death toll ni ‘Pedring’ pumalo na sa 52

UMABOT na ngayon sa 52 ang bilang ng namatay dahil sa bagyong “Pedring” at inaasahang lolobo pa ito, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.

Pinaghahanap pa rin ngayon ang 30 katao na nawawala mula pa noong manalasa ang bagyong Pedring.

Naitala rin ang 63 katao na nasugatan dahil sa nasabing bagyo.

Mahigit dalawang milyong indibiduwal ang naapektuhan ng naturang bagyo sa 33 lalawigan ng bansa.

Samantala, nasa P6 bilyon ang halagang napinsala ng bagyong Pedring kung saan P5 bilyon dito ay ang napinsala sa sektor ng agrikultura.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply