Debate sa RH inaasahang titindi pa

INAASAHAN ni Sen. Pia Cayetano na mas titindi pa ang debate sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill  dahil mas lumalalim ang isyung isinasangkalan ng  mga kritiko ng panukala.

Sa pahayag nitong Linggo, sinabi ni Cayetano na habang  nabubuksan ang nabubulok na paniniwalang relihiyon at diskriminasyon sa gender na siyang pinatutulis ng ilang senador, papasok na sa ika-anim na linggo ang debate sa

panukala na siyang magpapatindi sa argument.

Pero, iginiit ni Cayetano na nakahanda ang sponsor ng RH bill sa hamon at nakahanda ito sa mahabang pagtalakay.

Kahit nagpahayag ng pag-asa ang senador na maliliwanagan din ng kalalakihang miyembro ng Senado ang panukala, idinagdag pa ni Cayetano na malaki ang kanyang pag-asa sa mga senador na mabibigyan sila ng sapat na pang-paunawa sa panukala.

Nitong nakaraang linggo, kinuwestiyon ni Senate President Juan Ponce Enrile si Cayetano hinggil sa

pinagmulan ng buhay na nagdulot ng matitinding argumento at maiinit na sagutan sa pagitan ng dalawang mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply