Decentralization of government

PATULOY ang administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na mapadali ang pagbibigay ng iba’t ibang proyekto sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan sa pamamagitan ng decentralization of government.

Ano ba ang decentralization of government? Marami itong ibig sabihin at ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang paraan upang mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan, ito rin ang isang paraan upang mailapit sa tao ang gobyerno sa pamamagitan ng paghahati-hati ng trabaho ng bawat sangay ng pamahalaan.

Halos lahat ng sangay ng gobyerno ay gumagamit ng decentralization of government dahil ito ang pinakamadaling paraan upang maging maayos at maganda ang relasyon ng pamahalaan at ng mamamayan.

Isa sa halimbawa ng decentralization ay ang pagkakaroon natin ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) at ang Cordillera Autonomous Region (CAR) kung saan ay mas gumagaan ang trabaho ng central government dahil naipararating ng mga namumuno sa dalawang nabanggit na lugar ang nararapat na serbisyo ng ating gobyerno.

Sa pamamagitan din ng paraang ito ay napapadali ang pagbibigay ng mga proyekto sa mga malalayong lugar tulad ng mga infrastructure projects at iba pa na mas higit na kailangan ng isang sambayanan.

Kabilang din sa proyekto ng bagong administrasyon na may kinalaman sa decentralization of government ay ang tinatawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) kung saan ay inilalapit ng gobyerno ang pamahalaan sa taumbayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng subsidiya para sa kanilang pangangailangan.

Kapag patuloy na ipinaiiral ang decentralization of government ay mas madali ang ating pagbibigay ng serbisyo publiko dahil lahat ng sangay ng gobyerno ay kumikilos para sa kapakanan ng mamamayan.

Isa naman sa halimbawa ng political decentralization ay ang pagkakaroon natin ng kinatawan sa mababang kapulungan ng Kongreso sa bawat distrito na siyang nagsususog ng mga pangangailangan ng lugar na inirerepresenta nito.

Sa pamamagitan naman ng administrative decentralization ay gumagaan ang trabaho ng bawat departamento ng gobyerno dahil nahahati ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa bawat sangay ng pamahalaan at mas madali nitong natutugunan ang pangangailangan ng taumbayan.

Dahil na rin sa pagpapairal ng decentralization of government ay madali nating makikita kung anong sangay ng gobyerno ang nagtatrabaho at alin ang hindi dahil makikita mo mismo sa inyong lugar kung may nagawa bang proyekto ang departamentong ito o wala.

Nakikita natin na sa pamamahagitan ng decentralization of  government ay madali nating mararating ang ating pinapangarap na pag-unlad at katulad nga sinabi ng ating pangulo na sama-sama tayong tumahak sa tuwid na landas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply