Deles pananagutin sa P5M pondo ng MILF

HINDI mahagilap ni Sen. Francis “Chiz” Escudero kung saan kinapon ni Presidentil Advsier for Peace Process Sec. Teresita “Ging” Deles sa alinmang bahagi ng 2011 national budget ang P5 milyong ibinigay na pondo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kuwestiyonable rin kay Escudero ang pagtatalaga ng sinasabing Area of Temporary Stay (ATS) ng miyembro ng MILF na pawang teritoryo sa loob ng pangkalahatang teritoryo ng Pilipinas na sakop ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero na dapat managot at papanagutin si Deles sa ganitong illegal na pagkilos dahil wala sa alinmang probisyon ng Saligang Batas ang pagbibigay ng pondo sa rebeldeng grupo at pagtatalaga ng sarili nitong teritoryo.

“Tungkol na lang sa usapin ng pagbibigayn ng P5 million, wala ni isa saan sa budget ng 2011 nakalagay na puwedeng gumastos ng ganyang pera ang OPAPP. By the name itself, OPAPP is a presidential adviser, hindi naman implementing ageny ang OPAA na parang DSWD na puwedeng magbigay ng pera sa foundation,” ayon kay Escudero.

Naniniwala si Escudero na ibinigay sa MILF ang naturang pondo dahil nauna nang ipinangako ni Deles nang nanilbihan siya bilang peace adviser ni dating Pangulo, ngayon Pampangan Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Dapat din umanong magpaliwanag si Deles sa pagbubuo ng ATS na ikinokonsiderang teritoryo ng rebeldeng grupo sa loob ng teritoryo ng bansa na sakop ng AFP.

“Ang tanong ko, saan ba galing talaga itong ATS? Anong legal basis nito sa Constiutiton at sa anumang batas na meron teritoryo sa loob ng teritoryo ng Pilipnas na iba ang batas na umiiral? Na iba ang nagpapatupad at nag-e-enforce ng batas at kailangan  mo muna magpaalam parang private property, na kelangan muna magpaalam ng sundalo at pulis, bago pumasok at ipatupad ang batas,” ani Escudero.

Dahil dito, sinabi ni Escudero na dapat managot si Deles sa ganitong mga kuwestiyonableng pagkilos na walang basehang legal sa alinmang probisyon ng Saligang Batas at iba pang umiiral na batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply