Delivery van ng gatas tumagilid, pinagnakawan

NAGKAGULO ang mga residente nang sumambulat ang laman ng isang delivery van nang tumagilid kaninang umaga sa C5-Road, Taguig City.

Ayon sa pahayag ng driver na kinilala lamang sa pangalang Tito Sulueta, 27, tinatahak niya ang kahaban ng Highway saC-5 Road nang biglang may humarang sa kanyang harapan na isang pampasaherong jeep bandang alas-6:00 ng umaga.

Mababangga umano niya ang hulihang bahagi ng pampasaherong jeep kaya agad niyang kinabig ang minamanehong van na may plakang TGX-112 na naglalaman ng ebaporada at kondensadang gatas.

Dahil ditto sumambulat sa kalsada ang mga gatas na pinagkaguluhan at ninakaw ng mga residenteng naninirahan sa kalapit na lugar.

Wala namang pinsala o sugat ang driver na nag-aalala kung paano niya ipaliliwanag sa kompanya ang ninakaw na gatas.

Kaugnay nito, isinulong ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang malawakang imbestigasyon kaugnay sa naganap na looting.

Itutuon ng alkalde ang malawakang imbestigasyon sa kung bakit walang pulis na dumating sa lugar na pinangyarihan habang pinagnanakawan ang tumagilid na delivery van.

Sa naganap na insidente, umagapay ang tauhan ng Traffic Management Office (TMO) ng Taguig para isagawa ang pagsasa-ayos ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Ilan minuto makaraan ang insidente ay tumawag na sa himpilan ng pulisya ang tauhan ng TMO pero walang dumating para maiwasan ang looting sa nagkalat na gatas sa kalsada.

Rumesponde sa lugar ang anim na rescue team ng Taguig pero sa dami ng taong nagnanakaw ay outnumbered ang tauhan ng TMO at rescue team kaya walang nagawa ang mga ito upang pangalagaan ang  mga produktong nagkalat sa lansangan.

Hindi umano magaganap ang looting kung dumating sa lugar ang mga pulis na magbibigay sana ng proteksyon sa naaksidente. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply