Demolisyon sa Mandaluyong nagkatensyon

NAMUO ng tensyon ang demolisyon sa may 20 kabahayan sa isang residential area sa Mandaluyong City makaraang magbarikada ang mga residente upang protektahan ang kanilang tahanan Lunes ng umaga, Oktubre 17.

Ayon sa report ng dzBB, pinilit ng mga residente na itaboy ang demolition team upang hindi makapasok sa kanto ng 9 de Pebrero st. at Shaw Boulevard sa Mandaluyong bandang 9:00am.

Wala namang napaulat na nasugatan sa nasabing komprontasyon.

Batay sa pahayag ng mga residente sa dzBB, hindi dapat ituloy ng demolition team ang paggiba sa kanilang tahanan dahil humiling sila sa city court na mag- issue ng temporary restraining order upang hindi ito matuloy.

Pahayag pa ng mga ito na sana’y hintayin na lamang ang desisyon ng korte sa kanilang petisyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply