Dengue, leptospirosis, amoeba, diarrhea grabe na

MAMASYAL kayo, Suki, sa mga pablik ospital sa Bulacan at Pampanga at hindi ninyo masisikmura ang nagaganap.

Ang dami-dami nang may sakit na nagmumula sa mga binabahang lugar.

Kailangan mong pumila sa iyong pagpapagamot. Aabutin ka ng siyam-siyam bago ka makarating sa doktor na tsetsekap sa iyo.

Ang dami ring napakapapayat na mamamayan, lalo na ang mga bata.

At hindi maiiwasan ang sinasabi ng mga taga-ospital na may tila refugee center sila dahil walang mauuwian ang ilang pasyente.

Paano ka hindi sisikmurain sa awa sa mga biktima ng mga bagyo at baha?

oOo

Dengue, leptospirosis, amoeba, diarrhea, alipunga at iba pa ang sakit ng mga biktima sa mga lugar na ito.

Nagiging matindi ang pagkakasakit lalo na ngayong namamahay at namamaho na ang tubig-baha. Paano kang hindi magkakasakit, Suki, sa ganitong kalagayan?

Kung may maisasaing ka na bigas at ulam, tubig-baha na namamaho ang iyong panghugas at pansabaw. Kung maliligo at maglinis ka ng bahay, tubig-baha rin ang iyong gamit.

Dahil sa pagkasira sa hanapbuhay ng marami, naririyan na rin ang gutom.

Paano ka hindi magkakasakit at paano makapanlalaban sa sakit ang may mahinang katawan dahil sa gutom?

oOo

Itong si Calumpit, Bulacan Mayor James (hindi Jessie) de Jesus nga ay inaalipunga na, di lalong kinakapitan ng sakit ang mga biktimang mahihirap na lalong naghihirap dahil sa kalamidad?

Hindi nakapagtataka na gusto nang magdemanda ang pamahalaang Bulacan laban sa mga dam na naglalabas ng tubig sa paniniwalang ang mga dam ang nagpapabaha sa kanila.

Tulungan natin, Suki, ang mga kinakalamidad!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply