DepEd: Mga guro mag-aral sa graduate school na accredited ng Ched

PINAYUHAN ng Department of Education (DepEd) ang mga gurong nais na ma-promote na mag-aaral sa mga graduate school na accredited ng Commission on Higher Education (Ched).

Ito ay matapos na makarating sa DepEd ang impormasyon na may ilang mga gurong nais ma-promote ang nag-aaral sa mga graduate school na hindi accredited ng Ched.

Dahil dito, nagpalabas ng DepEd Order No. 78 series of 2011 si Education Secretary Armin Luistro na nagbabawal sa mga guro na kumukuha ng masteral o kaya’y doctorate degree sa mga kolehiyo o unibersidad na hindi pasado sa pamantayan ng Ched.

Hinihikayat ni Luistro ang mga guro na kumuha ng masteral o doctorate degree ngunit dapat aniya itong gawin sa tamang pamamaraan at huwag lamang isipin na makatitipid sa pagpasok sa mga hindi awtorisadong graduate school.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply