Classroom shortage ‘di aabutin ng 2014 – DepEd

TIWALA ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) na malulutas ang problema sa kakapusan ng classroom sa taong 2014.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Armin Luistro.

Sinabi ni Luistro na mula sa P238.8 billion proposed budget para sa ahensya, P18 bilyon ay gagamtin para sa konstruksyon at pagpapaayos ng 15,000 silid-aralan at pagi-install ng 25, 000 sanitation facilities.

Idinagdag pa ni Luistro na ang dagdag na 30,000 silid-aralan ay ipapagawa sa ilalim ng public-private partnerships.

Inamin ng Department of Education (DepEd) na kapos sila ng 152,000 classroom ngayong school year 2011-2012.

Ayon kay Luistro, kapos sila ng pondo kaya nakipagkasundo ang DepEd sa League of Municipalities, League of Province at iba pang local government units para tustusan ang pagpapatayo ng mga silid aralan.

Sinabi ni Luistro, pagkakaisa ng lahat ng sector ang susi para makamit ng DepEd ang adhikaing mapagkalooban ng edukasyon ang lahat ng mamamayan.

Kapos din ng 103,000 na gguro ang DepEd sa pagbubukas ng klase sa ngayong school year.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply