Depektibong proyekto bubusisiin ng DPWH

IPINAG-UTOS ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson ang pag-review sa mga depektibong bagong gawang proyekto ng kagawaran.

Ayon kay Singson, inatasan niya ang DPWH Bureau of Research and Standards na magsagawa na review matapos siyang makatanggap ng funding request para sa foreign-assisted projects na natapos na may dalawang taon na ang nakalilipas.

“Katatapos pa lang, wala pa kaming dalawang taon, nanghihingi na ng pondo pang-repair. That’s not acceptable to me,” ayon kay Singson sa isang press briefing.

Ginawa ni Singson ang kanyang pahayag matapos na atasan ng DPWH  ang contractor  na nagsagawa ng repair  sa Osmena flyover sa Buendia Avenue sa Makati City noong Mayo upang ulitin ang pag-aspalto.

Nadiskubreng may kapalpakan ang pag-iispalto ng nasabing flyover matapos itong magkabitak-bitak nang buksan at daanan ng mga motorista.

Pumayag naman ang contractor na Tokwing Construction na siyang gagawa sa re-asphalting ng flyover.

Sinabi ng opisyal na titignan ng departamento kung sino ang liable o dapat managot sa maagang pagkasira ng mga proyekto .

“We are going to conduct tests to see kung saan depekto niya, sa materyales ba o sa construction methodology,” ayon pa kay Singson. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply