Depekto ng gobyerno: Niraraket ng parak, enforcer

GUSTO nating makalatan ng mga parak at traffic enforcer ang lahat ng mga lansangan.

Kung pupuwede ay 24 oras na gawin nila ito sa loob ng pitong araw sa isang Linggo.

Dyinggel lang ang pahinga, ika nga.

PROTEKSYON NG MAMAMAYAN

Kapag nakakikita tayo ng mga parak at traffic enforcer sa mga lansangan, lumuluwag ang ating paghinga at pakiramdam.

Proteksyon kasi ng mamamayan ang mga alagad ng batas na ito.

Proteksyon laban sa mga street criminal na nagiging peste sa mga motorista at naglalakad sa mga lansangan.

Pupuwede kang magrelaks at hindi mo kailangan ang lingon nang lingon sa kaliwa, kanan o likuran para lang hindi ka masalisihan o masaksak o madukuton o makidnap o maagawan ng cellphone ng mga kriminal.

HINDI SILA DAPAT KATAKUTAN

Marami ang takot na takot sa mga pulis at traffic enforcer.

Pero alam ba ninyong hindi ang mga street criminal ang takot kundi mga ordinaryong mamamayan?

Yung mga street ciminal kasi, mga Bro, ay nakikipagbarilan sa mga parak at traffic enforcer.

Kaya kung nagkakaroon tayo ng pagkakataon, pinaliliwanagan natin ang mga takot na takot sa mga alagad ng batas na huwag matakot.

Totoo, hindi maipagkakaila na mayroong bulok na betlog sa mga ito.

Pero kaunti lang ang mga bugok na ito kumpara sa higit na nakararaming matitino at nagsisilbi talaga bilang protektor at taga-silbi ng mamamayan.

Kahit tingnan ninyo ang rekord ng mga reklamo laban sa mga pulis sa Internal Affairs Office, National Police Commission, People’s Law Enforcement Board at hukuman.

1 BATALYON LANG ANG SCALAWAG

Sa 150,000 na pulis sa mahal kong Pinas, kakaunti lang talaga ang bilang ng mga scalawag.

Isang batalyon lang naman. Hehehe!

May mga nagto-torture, may gun for hire, may nagsa-salvage, may protektor ng droga, may addict, may nambabagansiya, may nangre-rape, may abusado, may pabaya, may lasinggero, may nangongotong, may protektor ng mga holdaper at snatcher, may kidnaper for ransom at kung ano-ano pa na kabalbalan.

Pero nakaasunto ang marami sa mga ito.

Kung nakakulong ang mga ito ay ibang usapan.

Nasa mga awtoridad na yan.

Ang pagkakaalam natin, nakalalaya ang ilan o marami sa mga ito dahil sa piyansa, absent without leave, malakas sa itaas kaya nakalalaya at iba pang mga dahilan.

Kaya mag-ingat sa mga scalawag na ito.

MGA DEPEKTO SA LANSANGAN

Balik tayo sa mga mamayang takot sa mga pulis at traffic enforcer.

Nakikita ba ninyo ang mga traffic light na napakabibilis sa pagpapalit ng ilaw?

Nasa 3-4 segundo lang pala ang allowance ng sasakyan na tumatawid kahit sa malaking kalsada.

Dahil sa sobrang traffic, naaabutan ng mas mabilis sa kidlat na pagpapalit ng ilaw ang maraming sasakyan.

May depekto ang mga traffic signs.

KINUKUYOG NG MGA BUWAYA

Alam ba ninyo ang nagaganap sa mga pangyayaring ito?

Anak ng tokwa, higit na mas mabilis ang mga pulis at traffic enforcer sa panghuhuli sa mga biktima ng mga depektibong traffic light.

Kuyog kung kumana ang mga ito.

May tiket na iniisyu ang mga pulis, iba ang iniisyu ng mga traffic enforcer at iba ang iniisyu ng mga taga-MMDA.

KANYA-KANYA ANG RAKET

Yung iba, pinatutubos ang mga tiket sa kanilang bahay o sa labas ng mga opisina ng tubusan.

Kung mangatwiran ka, lalo nilang kakargahan ang iyong “violation” na nag-ugat sa depektibong gamit at sistema mismo ng mga pulis, traffic enforcer at gobyerno.

PINEPERA ANG SARILING DEPEKTO

Hindi binibigyan ng katwiran ang motorista at mamamayan ng mga pulis at traffic enforcer.

Basta sila ang complainant, piskal at huwes.

Anak ng tipaklong, guilty ang mamamayan at kailangan na magbayad ng multa.

May pa-seminar pa para sa traffic rules and regulations daw.

Kung wala kang time para rito, magbayad ka na lang.

Ito’y para makaporsiyento ang mga hinayupak na pulis at traffic enforcer sa lahat ng mga multa na binabayaran ng mga motorista at mamamayan.

Hindi inirereklamo ng mga tarantadong pulis ang mga traffic light o traffic system na may depekto.

Paano, mawawalan sila ng kita kung magiging maayos ang mga sistema at sign na ito!

TAKOT TALAGA

Dahil sa sarili nilang karanasan sa mga pulis, ang hirap kumbinsihin ang mamamayan na magtiwala sa mga pulis.

Naiisip natin, mismong mga pulis ang dapat na magpakita ng mabuting asal at tunay na diwa ng serbisyo publiko sa mamamayan para manumbalik ang tiwala ng mamamayan sa kanila.

Hindi ibang tao.

uzi text

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema

RIDING IN TANDEM

Sir Benny, panahon na talaga siguro na ipagbawal na ang magkaangkas sa motorsiklo para mawala na ang mga kriminal na magkaangkas sa motor. Isa pa, may risk din ang buhay ng pangkaraniwang taong nakaangkas sa motor pag naaksidente. Thanks. +63927646

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o mag-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply