Deployment ban sa Libya nakataas pa rin

PINAG-IINGAT ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagnanais magtrabaho sa Libya.

Ayon kay POEA Administrator Atty. Carlos Cao, nakataas pa rin ang deployment ban sa Libya at hindi pa tiyak kung magiging maayos ang kanilang kalagayan sa naturang bansa.

Ginawa ng POEA ang pahayag sa harap ng report na mayroon na umanong mga nagre-recruit na nangangalap ng trahador papunta sa nabanggit na bansa.

Sinabi pa ni Cao na higit na binibigyang-prayoridad ang mga datihan nang nagtatrabaho sa Libya partikular ang mga medical professionals.

Pero, mas mainam pa rin aniya kung hihintayin ang announcement mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa bagay na ito.

Sa ngayon ay nananatili pa rin ang deployment ban sa Nigeria at Lebanon.

Ito ay dahil sa hindi pa humuhupa ang tensyon sa dalawang nabanggit na bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply