Deployment ban sa Libya nakataas pa

NANANATILING nakataas  ang ipinapatupad na deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Libya.

Ayon kay Philippine Officer in Charge Ambassador to Libya Antonio Nalda, ang deployment ban ay kaugnay sa pagkakapaslang kay Libyan Leader Moammar Gadhafi.

Binigyang diin ni Nalda na hihintayin pa ng gobyerno ng Pilipinas na makabuo ng bagong pamahalaan ang Libya bago tuluyang pahintulutan ang mga OFW na muling magtrabaho doon.

Ipinahayag din ni Nalda na nasa maayos na kalagayan ngayon ang may 2,000 manggagawang Pinoy na naiwan sa Libya na karamihan ay mga health workers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply