Depositor tangkang holdapin, holdaper utas sekyu

PATAY ang isang holdaper nang mabaril ng sekyu ng isang banko matapos mangholdap ng isang depositor sa Alabang, Muntinlupa kaninang hapon, iniulat ng pulisya.

Sa imbestigasyon, palabas ng banko ang isang depositor ng Allied Bank, Alabang ng tangkang holdapin ng hindi pa nakilalang suspek.

Nakita naman iyon ng sekyu ng nasabing banko na agad sumaklolo sa biktima, pero nang tangkang manlaban ang holdaper ay pinaputukan ito ng sekyu, dahilan para agad na mamatay.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng mga tama ng bala ng shotgun ang hindi pa kilalang suspekhabang nagawa namang makatakas ng dalawa nitong kasama na magka-angkas sa isang motorsiklo, tangay ang P.2 milyong cash na nakulimbat sa biktima.

 

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply