Desisyon ng SC sa ARMM polls postponement iaapela

AAPELA ang oposisyon sa Kamara sa nabaligtad na desisyon ng Korte Suprema na kumakatig na ngayon sa pinagtibay na batas para sa synchronization ng Autonomous Region in Muslm Mindanao (ARMM) at pagtatalaga ng mga Officer in Charge (OIC).

Iginiit ni House Majority leader Edcel Lagman na masyadong dikit ang resulta ng botohan at maaaring magbago pa ang desisyon ng Supreme Court kaya nanindigan ito na unconstitutional ang naging hakbang ng SC na panigan ang batas para isuspinde ang eleksyon.

Ipinaliwanag ng kongresista na inaalis kasi nito ang karapatan ng mga taga ARMM na pumili ng mamumuno sa kanilang otonomiya.

Subalit, ikinatuwa naman ito ng mga kaalyado ng Pangulong Aquino na sina House Majority Leader Neptali Gonzales at Marikina Rep. Miro Quimbo ang desisyon ng Sc.

Ayon kay Gonzales, ang ARMM election postponement law ay isa sa defining moments ni Pangulong Aquino para sa paglalatag ng reporma at sa naging desisyon ng Korte Suprema na nangangahulugang nalagpasan na ng pangulo ang pinaniniwalaang sagabal ng Kataas taasang Hukuman sa administrasyon.

Sinabi ni Quimbo na maaari nang magtalaga ang Pangulong Aquino ng OIC sa ARMM kahit maaari pang maghain ng motion for reconsideration ang petitioners.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply