Desisyon sa PAL retrenchment binawi ng SC

BINAWI ng Korte Suprema ang ipinalabas nitong desisyon hinggil sa illegal ng pagtanggal sa mahigit 1,400 empleyado ng Philippine Airlines (PAL).

Matatandaang naglabas ng ruling ang 2nd Division ng Supreme Court na illegal ang pagkaka-retrench ng mga flight attendants at ipinag-utos nito na dapat maibalik sa trabaho o di kaya’y bayaran ang mga apektado.

Sumulat ang abogado ng PAL na si Atty. Estelito Mendoza sa korte at kinuwestiyon nito ang mga miyembro ng 2nd Division at iginiit nitong dapat ang 3rd Division ang dapat magdesisyon sa naturang kaso. Dahil dito, napagagdesisyunan ng Korte Suprema na bawiin ang naunang nang desisyon.

“The Court En Banc resolves to accept G.R. No. 178083(Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines[FASAP] v. Philippine Airlines, Inc.[PAL], Patria Chiong, et al.) and to take cognizance thereof. The Court En Banc further resolves to recall the resolution dated September 7, 2011 issued by the Second Division in this case,” ayon sa En Banc resolution ng Supreme Court.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply