Destabilisasyon itinanggi ng AFP

KINUMPIRMA ni AFP Spokesman Col. Arnulfo Burgos Jr. na walang magaganap na distabilisasyon sa hanay ng militar.

Nilinaw rin ni Burgos na wala pa silang natatanggap na ulat kaugnay sa pagkasa ng nasabing gawain sa isang press conference sa Kampo Aguinaldo.

Minaliit lamang ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y umugong na destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon dahil sa malamyang mga pahayag ng Pangulong Benigno Aquino III sa gulo sa Basilan at Zamboanga Sibugay.

Naniniwala naman si Burgos na hindi na kailangan pang isailalim sa loyalty check ang kanilang mga tauhan dahil tiwala sila na hindi magmumula sa kanilang hanay ang mga planong kudeta.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply