Dignidad at karangalan sa Spratly Islands

TIGILAN na natin ang digmaan ng pagbubunganga.

Mapapanis lamang ang ating mga laway, hindi naman malulutas ang problema.

Maliwanag ang posisyon ng Pilipinas ukol sa territorial issues sa kanluran ng ating karagatan, kasama na ang disputed Spratly islands.

Ang paninindigan natin ay mapayapang dayalogo sa lahat ng bansa na umaangkin sa pulo ng spratly.

Makabubuting huwag daanin sa init ng ulo at paglalabas ng anomang pahayag na tuwirang makasasakit ng damdamin ng bawat isa.

Ipinahayag ng Palasyo na handa ang dnd – Department of National Defense at dfa – Department of Foreign Affairs na resolbahin ang nabanggit na mga isyu sa isang maayos na paraan na puwedeng magkasundo ang bawat panig.

Itinatadhana ng international law na 200 nautical miles ay sakop ng Pilipinas.

Ang layo sa atin ng pina-aagawang pulo ay halos 85 nautical miles mula sa Palawan – samantalang ang layo nito sa China ay halos 595 miles.

Maliwanag pa sa sikat ng araw – atin ang nabanggit na pulo – gayunman, ipinahiwatig ni PNoy na puwedeng magkaroon ng mutual agreement ukol sa pagpapaunlad ng tinatayang 1.7 million square kilometer na mga pulo sa spratly.

Akala ko ba gusto ng lahat ang mapayapang pag-uusap ukol sa Spratlys. Eh, bakit kailangang ang ating kilos at galaw ay ihingi pa ng pahintulot sa kanila?

Nagsasalita ang China ng peace – arrogance of power naman ang kanilang ibinabandila.

Hindi tayo dapat patarantado sa China, bagama’t sila ang itinuturing na second largest economy sa mundo.

Maliit lamang ang Pilipinas pero taglay nito ang makulay   na kasaysayan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kalayaan; paghihimagsik sa mapang-api at handang pumatay at mamatay maipagtanggol lamang ang dignidad at karangalan ng ating pagkabansa. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply