Dinale ng riding in tandem:1 kelot tepok sa Taguig; 1 pa ninakawan sa Makati

TEPOK ang isang lalaki matapos barilin ng riding in tandem sa Lower Bicutan, Taguig.

Nabatid na nagtamo ng apat na tama ng bala sa ulo si Reynaldo Mangundayao kung saan pinagbabaril ito mismo malapit sa kaniyang bahay.

Base sa pahayag ng mga kamag-anak nito, away sa lupa ang posibleng motibo sa pamamaslang.

Samantala, isang lalaki naman ang naholdap at natangayan ng motorsiklo ng isa ring riding in tandem sa EDSA tunnel Northbound.

Base sa pahayag ng biktimang si Edmund Amparado, armado ang dalawang suspek ng baril na tumangay sa kaniyang motorsiklo at $35,000 dollars na nasa loob ng kanyang bag.

kasalukuyan naming nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad upang madakip ang mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply