Dinamita sa Parañaque at musmos ikinulong ng BI

GARAPALAN na ang walanghiyaan ngayon sa baybaying bahagi ng Parañaque City.

Minsan ay ibinunyag ng Remate Expose ang nangyayaring paglalagay ng kulay sa bilasang isda na mas kilala sa tawag na Jobos.

Yun bang === ginagamit na pangkulay sa mga tela at sapatos.

Bulungan Dampa kung tawagin ang palengkeng ito na matatagpuan sa isang lugar sa Coastal Road sa Parañaque City.

Dito raw ibinabagsak ang mga isdang huli sa Manila Bay.

BULOK NA ISDA

Halos karamihan kasi  ng isdang ibinebenta rito ay mabubulok na kaya kailangang gumamit ng Jobos para maitago ang tunay na kulay-bilasa ng isda.

Bakit mabilis mabulok ang mga isda samantalang malapit lang naman ang Manila Bay na pinaghuhulihan sa mga ito?

DYNAMITE FISHING SA PARAÑAQUE

Dynamite fishing daw kasi ang ginagamit ng mga tarantado rito kaya nga naman bulukin ang mga isda nilang paninda.

Nalalamog at sumasabog ang katawan ng mga isda na nahuhuli sa pamamagitan ng dinamita.

Ayon sa ating uzi, lantaran mong makikita sa kahabaan ng Pacific Drive sa Parañaque City kung paano mag-dinamita ang mga tarantadong mangingisda.

Madidinig at makikita mo  ang pagsabog kahit na ikaw ay nasa lupa dahil halos 500 metro lang ang layo sa pampang ng mga nagpapasabog ng dinamita.

MARITIME COMMAND SA DONGALO

Abot-tanaw ng PNP Maritime Command na nakabase sa Dongalo ang nangyayari sa Manila Bay pero mukhang inutil talaga ang pamunuan nito.

Gen. Don Montenegro, baka naman ho puwedeng pagpahingahin na natin kung sino man ang hepe r’yan sa Dongalo?

Para naman malaman ng mga bata mo kung gaano ka talaga katikas pagdating sa trabaho.

SUMAWSAW KA, MAYOR BERNABE

Baka naman ho gusto n’yong sumawsaw sa usaping ito, Parañaque City Mayor Florencio Bernabe?

Kahit nasa dagat na yan ay nasasakupan pa rin yan ng inyong pamunuan.

Kaya pala lalong dumarami ang nagugutom sa Parañaque lalo na ang mga lehitimong mangingisda dahil wala na kasi silang mahuli pa.

Inubos na ng pasabog!

BUREAU OF IMMIGRATION

Sentro ngayon ng usapan sa Commission on Human Rights ang ginawang operasyon ng mga tauhan  ng Bureau of Immigration Intelligence Division na pinamumunuan ni Atty. Antonette Mangrobang.

Ito ay ang operasyon na ginawa ng mga intel ng immigration na kung tawagin ay Magdalo group.

Nilusob ng mga ito ang Davao at pinagpapasok sa bahay-bahay ang mga Indian National na mas kilala sa tawag na “Bombay”.

ANO ANG KASO NG MGA BOMBAY?

Undesirable aliens, yan ang basehan kaya pinagdudukot ang mga Bombay.

Dahil naghahanapbuhay daw ang mga dayuhang ito sa bansa nang walang kaukulang dokumento na malinaw na paglabag sa batas ng bansa.

Eh bakit sa bahay kinalawit ang mga Bombay?  Hindi ba dapat ay sa lugar ng trabaho nila?

Alam ko na….5/6 ang hanapbuhay ng mga ito kaya pala sa bahay na lang kinalawit dahil mahirap nga naman madagit ang mga Bombay sa dami ng iniikutan.

PATI MUSMOS KINALAWIT

Pati isang taong gulang na bata ay kinalawit daw at ikinulong ng mga gagong intel ng BI sa kanilang detention center sa Bicutan.

Grabe raw ang tapang ng bagong intel agents na ito na bitbit ni dating General at ngayo’y Commissioner Ricardo David nang pumasok ito sa immigration.

Hindi ba dapat lang na iturn-over n’yo sa Department of Social Welfare and Development ang bata na anak ng mag-asawang Indian detainee?

CHR Commissioner Etta Rosales, baka naman ho puwede n’yong silipin ang bata?

Dahil hindi lang naman ho para sa Pinoy ang Human Rights, hindi ho ba’t para sa lahat ng human yan?

MISSION ORDER

Wala raw iniisyuhan ng Mission Order sa kasalukuyan si Comm. David kundi ang mga bata n’yang Magdalo lamang.

Kaya hayun…kahit na palpak na ang ginagawa ay kinukunsinti pa raw ito.

Totoo bang ang nakalagay sa M.O. na ang aarestuhin ay “all Indian nationals.”

Hayop na order yan!

General ka nga talaga, Comm. David.  Kasi generalized din ang order mo.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

KOTONGERO TAWAGING LOLONG

Sir Benny, may magandang bagong pangalan ngayon ang mga pulis-kotong at trapik enforcer-kotong.

Sa halip na buwaya ang itawag sa kanila, gamitan na lang natin sila ng generic name na LOLONG, ‘di ba sir? Hindi masyadong halata!  Hehehe. +63918479….

GARAPAL SA KOLORUM

Gud am po, sir. Dito po sa Shaw Blvd., Mandaluyong City, napakarami pong kolorum na jeep na biyaheng Edsa-Kalentong.

Katulad po ng isang jeep na ang gamit ay improvised plate number na TXK 909, pero ang original na TXK 909 ay nakakabit sa isang jeep na may rutang  ANTIPOLO-JRU.

Ang kapal po ng mukha ng may-ari ng jeep na yun.  Sir, baka po puwede ninyong gisingin ang aming butihing, MAYOR BEN ABALOS.  Maraming salamat po. +63929310….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.-remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply