Dinky Doo saludo sa filmfest ng action movies ni Sen. Lito Lapid

NAKAUSAP namin lately ang media bureau director ni Senator Lito Lapid na si katotong/ Direk Alex Marcelino at napunta ang paksa sa malapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Disyembre kung saan mag-uumpugan for sure ang dalawang pelikula nila Vic Sotto (“Enteng Ng Ina Mo”) sa direksyon ng iconic at Blockbuster Director ng Guillermo Memorial Awards na si Direk Tony Y. Reyes at Bong Revilla  sa  “Panday 2,” among others na mga runners-up sa box-office in a manner of speaking hahaha!

Naikwento sa amin ni Direk Alex M. na nasa-drawing board na pala ang project proposal sa opisina ni Sen. Lapid kung saan pinag-aralan ngayon ang pagkakaroon ng film festival para naman sa action stars, action directors at action scriptwriters na medyo namamahinga na.

Ito ay bale gawing Senate Resolution para magkakaroon ng govenrment funding (local or national) in line with the initiative of the concerned sectors of the movie industry to revive the genre of action movies and the mainstream movie industry as a whole at ang playdate nito ay ideally mid-year para walang conflict sa MMFF.

Isa sa mga mechanics nito ay dapat ang project ay hard at purong action lamang the way damn good action movies were done before. Meaning, ito ay hindi gagamitan ng fancy visual effects at computer generated devices para patas talaga ang laban.

Nung naiulat namin ito sa ubiquitous funny sidekick to all of the action movies of Ronnie Ricketts about a hundred of them na si Dinky Doo ay sobrang excited ito at sabi pa na siguradong susuporta rito ang kanyang Bossing sa Optical Media Board na si Ronnie Ricketts. At syempre pa natuwa siya sa brilliant idea ni Senator Lapid.

Very positive si Dinky Doo na more than one-hundred percent na susuporta ang mga action directors at mga action stars sa panukalang ito. “Maraming nauuhaw ngayon sa true grit na action movies, yung hindi fanciful at hindi fanstasya. Yun talagang hard action pati ang istorya. Saludo ako rito sa inisyatibo ni Sen. Lapid,” sabi pa ni Dinky.

Kahit nag-close shop na nga ang mainstream movie industry at talagang hindi na nakagawa ever si Dinky Doo ng pelikula kay Ronnie Ricketts, the good news is that he has combined forces with his new-found friend & famous comedian/singer  Fil-Am  Nico Fuentes (cousin of Rico Puno and musical director/arranger Toti Fuentes) based in Michigan, USA. Nakilala ni Dinky si Nico the last time nagkaroon siya ng successful shows sa Filipino communities in San Francisco, Los Angeles, Virginia, North Carolina and in some fabled cowboy countries where his funny antics and singing style sold to capacity crowd.

The two now bill themselves “Nico & Dinky Doo.” Well-known producer of concerts of top local movie stars and recording artists Amy Garcia of Emerald Production in the States has worked up a grand premiere show for the duo on Feb. 14, 2012 at the 1,500 seating capacity of Lisner Theater, Washington D.C.

Up from the local comic tandems long gone like Reycard Duets, Porkchop and Asado Duo, Dinky Doo, Jr.  arises from his life-changing travel to America rediscovering his strong faith in God in tandem with Nico to provide real good fun and entertainment to both domestic and international audiences.  Mapa-pelikula o mapa-live shows man, si Dinky towers above his peers. He is no son of the famous tandem of the 50s and 60s Pat Salem & Dinky Doo (Sr.) for nothing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply