Dinukot na negosyante, driver pinakawalan na

PINAKAWALAN na kaninang umaga ng mga kidnaper ang isang negosyante at ang drayber nito na dinukot sa Lanao Del Sur, noong Oktubre 1.

Kinilala ang mga pinalayang biktima na sina Faridah Adilao, 36-anyos at ang drayber na si Mokamad Mimbantas, 22-anyos.

Noong Oktubre 1, pauwi na ang dalawang biktima sa Marawi City lulan ng pick-up truck nang dukutin sa Barangay Nangka, sa Bayan ng Balo-i.

Pinakawalan sina Adilao at Mimbantas sa Barangay Fuentes, sa lungsod ng Iligan, dakong alas-9:02 kaninang umaga.

Agad namang dinala ng mga awtoridad ang kidnap victims sa Mercy Hospital, sa Iligan para sa medical check-up.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply