Direk Lauren ayaw nang pag-usapan si Mariel

SA Oct. 29 na bubuksan ulit ang Bahay Ni Kuya, sa grand premiere ng PBB Season 4 na may title na PBB Unlimited. Ayaw pang i-reveal ni Direk Lauren Dyogi kung bakit PBB Unlimited ang title o kung ilang housemates ang papasok. Basta panoorin na lang ang daw ang premiere nito.

Ayaw na rin pag-usapan pa ni Direk Dyogi si Mariel Rodriguez dahil nasa kabilang network na ito. Wini-wish niya ng happiness ang dating PBB host.

Sina Toni Gonzaga at Bianca Manalo pa rin ang hosts ng PBB at ang mga bagets na sina Robi Domingo at Martin Concio ay additional hosts lang at hindi maituturing na kapalit ni Mariel.

***

JOHN Lloyd Cruz is really the man! Siya na nga ang big celebrity na matagal nang natsitsismis na lilipat na sa TV5 pero hanggang nqayon ay hindi pa rin kumakagat sa malaking offer ng Kapatid Network. Diumano ay tumataginting na P700,000 per taping ang offer ng TV5 sa kanya as against na P500,000 per taping daw ni JL sa ngayon sa ABS-CBN.

Balitang hindi natuloy ang pagpirma ng renewal of contract ni Lloydi sa ABS dahil naghihintay pa raw ang actor ng isang “contract that he cannot refuse” mula sa Kapamilya Network. Diumano ay P1 milyon per taping day ang gusto ni John Lloyd. At kung papatulan ito ng TV5 ay siguradong lilipat na ang sikat na actor.

Kaya raw ganito kataas ang hinihingi ni Lloydi na talent fee ay balak na niyang magretiro sa showbiz pagkatapos ng kanyang bagong contract or 5 years from now, more or less! Marami ang nagre-react na napakabata pa ni John Lloyd para mag-isip na mag-retire na sa showbiz considering na wala pa siyang 30! But everybody is entitled to their own prerogatives ika nga!

Kung matutuloy ang kagustuhan ni John Lloyd na P1 milyon per taping, siya na nga ang magiging highest paid male actor natin ngayon, even eclipsing Piolo Pascual who is supposed to be the No. 1 contract star of ABS-CBN.

Pero mukhang may bargaining power naman si JL kasi he is a certified box-office star, one of the most sought after celebrity endorsers at siya pa ang nag-No.1 sa 100 Beautiful People ng YES magazine.

***

NAKATAKDANG bawiin ulit ni Jillian Ward ang kanyang trono bilang No. 1 child star ng GMA sa bagong teleserye na “Daldalita.” Aba, siguradong bestseller na ito among the televiewers lalo na sa mga bata dahil kasama dito ang mga talking animals na sina Daisy the duck, Bobby the pig at Kirat the mouse.

Bida rin dito ang dating magka-loveteam na sina Ogie Alcasid at Manilyn Reynes na natsismis rin sa isa’t isa noon.

Klinaro ni Mane na never silang nagkaroon ng relasyon ni Ogie noon. Ang naging boyfriend lang daw niya talaga noon ay si Janno Gibbs at pagkatapos ay si Aljon Jimenez na na naging asawa niya for many years now. Ayaw na ring mag-comment ni Mane sa tsismis noon sa kanila ni Keempee de Leon.

At any rate, balik-TV na naman si Mane sa Daldalita at Pepito Manaloto dahil nakapanganak na siya. Two months old na ang bunso niya na si Kael at pangatlong lalaki na niya ito.

***

NGAYONG Biyernes ipapalabas ang part 2 ng 16th anniversary presentation ng “Bubble Gang.” Presenting new characters tulad ni Kuya Bochi Dis Is Sais na spoof ng Kuya Bodgie ng Batibot; and Zosimo Vakya na version ng BG ni Ernie Baron.

May bonggang original music video ang Wonder Boys. At nag-level up na rin anng Moymoy Palaboy sa kanilang MTV na Love The Way You Lie kasama sina Solenn Huesaff at Rocco Nacino. Nagbabalik din Ang Dating Doon at classic commercial spoof. Nandyan din ang comic sketches na Gayuma at Pangarap Na Anak at ang mga famous characters ng Bubble Gang through the years tulad ng Muchas Grasas, Miralawin, Jowa in the City at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply