Direk Laurenti Dyogi nagtatampo kay Mariel

PINATUNAYAN ni Toni Gonzaga ang title niya bilang The Ultimate  Multimedia Star nu’ng punuin niya ang Araneta Coliseum sa nakaraan niyang anniversary concert ti- tled Toni @10 last Friday, September 30. Kaya naman very thankful si Toni sa mga nanonood ng concert niya.

“Masaya ako kasi ngayon ko lang naman naranasan ‘to, eh, ngayon ko lang ginawa. Inabot ako ng sampung taon bago ko na-experience ‘to lahat. So parang sulit ang lahat ng paghihintay, lahat ng pagtitiis, lahat ng pagod. Kasi, nanood sila,” medyo lutang pa na sabi ni Toni.

Before the concert ay aminado naman ang aktres/TV host/singer na talagang kinabahan siya at nagkaroon ng takot na baka hindi niya mapuno ang Araneta.

“Buong August-September, nakalutang ako. Wala akong inisip kundi rehearsals, tickets, magbenta ng ticket, ano ang mangyayari, line-up ng guests, kanta, kahit nga HYY, hind ko naaano (naaasikaso). The Buzz, wala talaga. Ang concentration ko nan du’n sa Araneta,” kwento ni Toni.

Right after the concert ay kinausap na si Toni ni Laurenti Dyogi, ang Business Unit Head at director ng Pinoy Big Brother sa dressing room niya sa Big Dome.

“Sabi niya sa akin, ‘Okay ka na? Nakakahinga ka na?’ Sabi ko, ‘Yes lolo, nakaraos na po.’ Tapos sabi niya, ‘O sige, next week, mag-uusap na tayo.’  Sabi ko, ‘Tungkol saan?’ Sabi niya, ‘Sa lahat.’ I-explain niya raw lahat. Siguro, pati ‘yung kapalit (ni Mariel Rodriguez as one of the hosts).”

Wala rin daw siyang alam tungkol sa isyung naglabasan na may tampo si direk Lauren kay Mariel kaya wala raw siya talagang maiko-comment tungkol dito. Ang next big thing na haharapin ni Toni ay ang renewal ng kontrata niya sa ABS-CBN kaya makiki- pag-meeting din siya this week sa management. Isa sa ire-request marahil ni Toni ay ang makasama ang “pinaka-una” niyang leading man na si Piolo Pascual.

“Imagine, nang nagsimula ako, siya ang kasama ko sa commercial. Siyempre, gusto ko rin siyang makasama sa pelikula. Actually, akala ko nga, paglipat ko sa ABS-CBN, ‘yun ang unang-una kong magiging movie, eh dumating si Sam (Milby), na-delay nang na-delay,” natatawang sabi ni Toni.

Sa mga hindi nakapanood nang personal ng concert ni Toni sa Big Dome, may chance pa kayo dahil ipalalabas sa October 9, Sunday, ang Toni @ 10 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best. Pero bago ‘yun, mapapanood din si Toni sa earlier on Sunday sa The Buzz sa bago nitong format na mas nag-level up.

-ooOoo-

Preempted ang Entertainment Live! last Saturday ng grand finals ng UAAP game bet- ween Ateneo and FEU. But this Saturday, balik na ang mas nag-level up din na top- rating showbiz-oreinted talk show hosted by Bianca Gonzales, Nikki Gil, Ogie Diaz and Luis Manzano.
Excited na kami na mapanood na next item na itatag ni Ogie sa kanyang segment na ‘Tagged’ at ang ipasisilip naman ni Luis na set sa mga programa ng ABS-CBN sa Exclusive Slip. Syempre, ‘di rin mawawala ang Whip Around segment at ang Profile Pick.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply