Dirty-looking starlet banned sa isang sikat na showbiz-oriented talk show!

INUMPISAHAN NA ng isang showbiz-oriented talk show ang pagba-ban sa isang morenang starlet, paraan para maramdaman mismo ng kampo nito na dapat pairalin ang “an eye for an eye, a tooth for a tooth” kind of game.

Kung tutuusin, the program does not stand to lose anything. Mas dehado pa nga ang brown-skinned starlet sa ipinatupad nang news blackout sa kanya, lalo’t not an ounce of publicity tungkol sa kanyang Metro Manila filmfest entry ang dapat niyang asahan.

Imagine, while the other MMFF entries are hyped to the hilt, including their respective major stars, hayun ang pobreng dirty-looking starlet na pinagkaitan ng pagkakataon as a result of a ban dahil na rin sa kanyang kaartehan at kayabangan ng kanyang manager!

Ngayon tuloy napagtanto ng buong show that one of its staff was right all along. Noong una pa man kasi, labag sa kalooban ng staff na patulan ang anumang balitang sangkot ang starlet dahil she proved to be a non-rater. Tanging ang programa lang yatang ito ang nangahas na gawan ng feature ang starlet, whose slightly phenomenal rise to fame (or infamy?) ay dahil sa pagkakaroon nito ng kontrobersiyal na dyowa na isang self-confessed drug user dati.

Pero immaterial na kung anuman ang personal na buhay ng starlet na ito, let her misdemeanour alone be the root kung bakit hindi PO siya LOVE ng programang isinusuka siya!

XXXX

TO PUT to rest wild speculations about their espousal separation ay napapayag ng Startalk TX ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong para sa isang sit-down interview by no less than Ricky Lo.

Through the arrangement of the program’s talent coordinator Gorgy Rula, who’s close to the couple, kasado na sana ang naturang panayam scheduled last Thursday (October 27). Pero Martes nang kumpirmahin ni Gorgy na umayaw na raw ang mag-asawa.

To us, hindi na mahalaga where the news about Boyet and Sandy’s alleged rocky marriage came from. The couple, after all, is not alone considering quite a number of showbiz unions na napapabalitang tagilid ang pagsasama.

In Boyet and Sandy’s particular case, ang kanilang last-minute cancellation of the already scheduled sit-down interview ay kauna-unawa, whether or not there are rocky bumps and humps on their marital road. Their TVC (TV commercial) endorsing an adult health drink speaks for itself.

True to its brand name, it should “ensure” the couple’s let’s-stick-together-whatever-happens setup anuman ang mangyari—real or imagined.

Wala itong iniwan sa noo’y toothpaste commercial nina Martin Nievera at Pops Fernandez who had to sway the general public (as well as their supporters) into believing that theirs was a happy, solid union gayong ang totoo pala, the couple may have had good-smelling teeth…pero hindi naman pala nila kapwa naaamoy ang kanilang hininga sa kanilang lips to lips.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply