Disaster response ops

MGA katoto, sadyang walang kawala ang Pinas sa salanta ng bagyo. Taon-taon na lang, hinahagupit tayo ng mahigit 20 bagyo at iba pang uri ng mga sakuna.

Dala ng paglugar ng Pinas sa Dagat Pasipiko, ang bansa natin ay kabilang sa 10 bansa na nangunguna sa insidente ng mga kalamidad at kabilang ito sa 20 bansa na tinatayang magiging apektado ng “climate change.” Mabigat ito, lalo’t ayon sa pag-aaral ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor hinggil sa epekto ng mga sakuna sa Pilipinas, 23 probinsya sa atin ang tinatayang may haharapin na apat o higit pa na sakuna kada taon at dahil sa paglawak ng mga tirahan sa ngayon, mayroong 74% ng ating populasyon ang nanganganib sa mga kalamidad – dami ‘no?

Kaya’t eto – mayroong humigit-kumulang 1,000 ng ating mga kababayan ang nasasawi dala ng mga kalamidad kada taon. Ang mga nakaliligtas naman ay bubulabugin ng epekto sa ekonomiya.

Pero teka muna. Hindi naman tayo pwedeng mag-sa-walang bahala na lamang sa mga ito. Puspusan din naman ang ginagawa ng ating mga kababayan sa pamahalaan at sa pribadong sektor – para maiwasan o maibsan man lang ang epekto ng mga sakuna.

Hindi maikakaila na puspusan ang pagtutok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa tinatawag na Disaster Response Operations sa panahon ng tag-ulan. Sa katunayan, isa ito sa pangunahing misyon ng inyong Sandatahang Lakas, partikular ng Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Katuwang ang iba pang sangay ng pamahalaan at ang pribadong sektor, ang mga Mandaragat (Sailors) at Mandirigma (Marines) ng HDP ay inorganisa, sinanay at nilapatan ng kakayanang maglunsad ng DRO sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa nakalipas na dalawang linggo, walang humpay ang HDP kabalikat ang mga ahensya at mga nagmamalasakit na sektor sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng “Pedring” at “Quiel.”

Ang pagod at hirap ay di nila pansin, kaya’t napakalaking tulong sa ating mga Navymen na naitalaga sa Bulacan at Pampanga ang pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang sektor at maging ng mga nasalanta mismo bunga ng kumpleto at tumpak na paglalarawan nila ng rescue area na nagdulot  ng agaran at epektibong DRO.

Kaya natin yan, Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply