Discount sa tollway hiniling ng mambabatas

DAHIL sa  implementasyon ng  value added tax (VAT) sa toll fees simula ngayong araw, hiniling ni Cagayan Rep. Jack Enrile sa tollway operators na magbigay din ng  discount program para sa mga commuters at sa mga businesses na regular na dumadaraan sa expressway.

“While we understand the need for businesses to stay viable and for government to collect taxes to back its spending, we also need to balance these needs with the interest of the consuming public which will be adversely affected by the hike in toll fees because of VAT,” ani Enrile.

Binigyang halimbawa nito ang pagbibigay ng tollway operators ng pre-paid toll cards na maqagamit sa loob ng isang taon para sa 10% discount at pre-paid cards na magagamit naman sa loob ng anim na buwan para sa 5% discount para sa mga  regular user ng  expressway.

Sa ganitong paraan aniya ay maaring makatulong ito sa mga regular user mula sa pagtataas ng  singil sa toll habang ang mga tollway operator naman ay nakakolekta  naman mula sa mga pre-paid cards na maaring magamit ito sa ilang investment upang marekober din ang ibinigay na discount.

Sinabi rin ni Enrile na maari namang gamitin ng mga tollway operator ang kanilang input tax credits upang  makabawas  sa kanilang VAT na siyang ibabayad sa gobyerno. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply