Diskuwento sa mga motorista sa SLEX, NLEX isinulong

MATAPOS matuloy pagpapataw ng value added tax (VAT) sa toll fees kahapon, hinikayat ng isang mambabatas na magbigay ng diskuwento ang operators sa sasakyang madalas dumaan dito.

Sinabi ni Cagayan Rep. Jack Enrile, ang ibibigay na discount program sa mga sasakyang madalas dumaan sa  tollway ay makakatulong sa pasahero at kalakalan dala nang pagtaas ng singgil sa toll fees.

Mahalaga aniya na matugunan ang naging epekto ng mas mataas na singgil sa commuters at business, sinabi ng mambabatas na dapat magkaroon ng programa ang operators para sa mga regular tollway users.

Halimbawa aniya, maaaring magbigay ang tollway operators ng pre-paid toll cards na magagamit sa loob ng isang taon na may kasamang 10% discount at prepaid cards na magagamit sa loob ng anim na buwan na may 5% discount.

Habang ang on-site payments ay pagbabayarin ng buong halaga.

Sinabi pa ni Enrile na maaaring gamitin ng tollway operators ang tax credits para mabawasan ang halaga ng VAT na babayaran sa gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply