‘Doble-karang batas kay LLamas inalmahan ni Casiño

KUNG sa isang iglap ay nagawang ipatigil ni Pangulong Benigno Aquino ang

paggamit ng wang-wang, mukhang pagdating sa usaping “bang-bang” ay hirap

si PNoy.

Ito ang pagtataya ni Congressman Teddy Casiño na ang tinutukoy ay ang

kamakailan lamang na pagkakasangkot sa aksidente ng sasakyang may plakang

“6 OPA” na pag-aari ni Office of Presidential Adviser Rolando Llamas sa

Commonwealth Avenue, Quezon City.

Bukod sa mga naaksidenteng tauhan ay nakita rin ang matataas na uri ng

baril at bala na nasa loob ng Mitsubishi Montero ng opisyal.

Ang higit na ikinaalarma ng mambabatas ay ang waring pagpapairal sa “double standard” na batas nang waring pagtakpan pa ng Malakanyang ang kalokohan ng mga abusadong tauhan at iligtas sa kaso.

Ito ay ayon sa inilabas na pahayag ng Office of the Political Adviser na pawang lisensiyado ang nakitang armas sa sasakyan ni Llamas  na ginamit ng bodyguards na sina Joey Tecson at John Alarcon para sa kanilang personal na gamit.

Nakasaad sa batas na “non-transferable” ang permit to carry na malinaw na nilabag ng opisyal bukod pa sa paggamit ng “private armies” na siyang pinagbitbit nito sa kanyang armas habang nasa ibang bansa.

Bilang reaksyon sa pag-alma ni Casiño, bumawi naman ang ngayon ng pamunuan ng PNP na mahaharap na sa kasong administratibo ang dalawang bodyguard ni Llamas dahil sa paglabag sa alituntunin sa tamang paghawak ng mga armas.

Sinabi ni PNP Firearms and Explosives Office head Chief Superintendent Napoleon Estilles na ikinokonsidera na nila ang pagkansela sa licensed firearms ng naturang mga bodyguard na nagdala ng mga armas na hindi sa kanila naka-lisensya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply