DOH: Kaso ng dengue sa bansa bumaba

BUMABA pa ng 22 porsiyento ang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa Department of Health.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Enrique Ona.

Base sa ahensya, nakapagtala lamang ang kanilang tanggapan ng 83,459 na kaso ng dengue simula Enero hanggang Setyembre 24 ng kasalukuyang taon kung saan 467 ang nasawi at mas mababa ito ng 22.40 percent kumpara sa 107,550 cases at 668 na namatay noong 2010 sa kaparehong panahon.

Ngayong taon, pinakamaraming naitalang kaso ng naturang sakit ay nitong Hulyo at Agosto pero nilinaw ng kalihim na mababa pa rin ito ng 41.99 percent kumpara noong 2010.

Naitala naman ang pinakamaraming biktima mula sa National Capital Region na may 18,085 na kaso na sinundan naman ng Central Luzon (18,081 kaso) at Calabarzon (11,622 kaso).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply