DOH muling nagbabala sa mga laruang pang-Halloween

MULING nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga nakalalasong sangkap sa mga maskara, pangil at iba pang Halloween costumes ns ginagamit tuwing Undas.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, kabilang sa mga dapat i-check pag bumibili ng nakakatakot na costume at body paint, maskara, pumpkin basket at pangil na ginagamit sa mga halloween party.

Ani Tayag, kadalasang nagtataglay ng mercury at lead ang mga pekeng pangil at mga pekeng dugo, na lubhang nakasasama sa kalusugan.

Sa matagal sa exposure sa toxic sa nasabing mga Halloween costumes ay posible umano itong magdulot ng sakit sa bato, sakit sa puso at sakit sa buto.

Nakasisira rin umano ito sa reproductive system at nervous system, lalo na kung buntis ang gagamit.

Kung mga bata naman umano ang makalulunok ng mercury, makaaapekto ito sa kanilang paglaki at sa mental development.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply