DOH nagpaalala para sa ligtas na paggunita ng Undas

NAGPALABAS ng paalala ang Department of Health (DOH) ilang araw bago ang Undas para sa mas ligtas na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay DOH Asst. Secretary Eric  Tayag, dapat siguruhin ng publiko na malinis ang preparasyon ng pagkain at inumin na bibihin sa loob at labas ng sementeryo upang makaiwas sa food poisoning at pananakit ng tiyan.

Pinayuhan din ni Tayag ang mga magulang na may mga kasamang bata na magtutungo sa mga lalawigan na magbaon ng malinis na pinakulong tubig o ‘di kaya ay sila mismo ang maghanda ng kanilang pagkain upang masiguro na ligta sa anumang mapaminsalang bacteria.

Samantala, katuwang ang ilang mga rescue volunteer group, ang DOH ay naghahanda na rin ng puwersa, ambulansiya, mga gamot upang mai-deploy sa loob at labas ng mga sementeryo  para sa makakaramdam ng mga pananakit ng katawan, pagkahilo at iba pang karamdaman na posibleng idulot ng matinding init na likha ng makapal na volume ng mga tao at epekto ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply