DOJ-Comelec fact-finding panel binalaan

BINALAAN ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang Department of Justice (DOJ) at Commission on Elections (Comelec) fact-finding panel na nag-imbestiga sa dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Ang pagbabanta ng dating FG ay kasunod ng pag-iisyu ng subpoena ng DOJ at Comelec na ipinadala sa kaniya ngayong araw.

Iginiit ni Arroyo na hindi dapat siya kasama sa i-subpoena dahil wala naman nakitang ebidensya ang panel kontra sa kanya base na rin umano sa inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima.

Malinaw aniyang persecution, harassment at oppression ang ginagawa ng gobyerno sa kanya lalo’t hindi naman siya binibigyan umano ng due process.

Ihahain na ng Department of Justice (DOJ) ang subpoena kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, asawa niyang si dating First Gentleman Mike Arroyo at 55 iba pa, kaugnay ng imbestigasyon ng DOJ at Comelec hinggil sa umano’y dayaan sa 2004 at 2007 Elections.

Sinabi ni Prosecutor General Claro Arellano na bibigyan nila ng kopya ng report ng fact-finding team at kopya ng reklamo ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang dating First Couple bago ang preliminary investigation na gaganapin sa Nobyembre 3, alas 2:00 ng hapon.

Ibabase sa mga nasabing dokumento ang isusumiteng counter-affidavit ng mga respondents.

Nilinaw naman ni Arellano na hindi sabay-sabay ang gagawing pagpapaharap sa mga respondent sa isasagawang imbesigasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply