DOJ sinugod ng transport group

SINUGOD ng grupong Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT) ang tanggapan ng Department of Justice (DOJ) upang ikondena ang umano’y kawalang aksyon ng kagawaran sa inihain nilang reklamo laban sa tatlong dambuhalang kumpanya ng langis.

Pahayag ng grupo, hindi sapat ang isinagawang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo kamakailan. Ayon pa sa kanila, isa lamang itong panloloko upang ibaling ang atensyon ng publiko.

Setyembre 14 pa nang maghain ng reklamo ang pangulo ng grupo na si Dante Lagman laban sa Big 3 na kinabibilangan ng Shell, Petron at Chevron, at inakusahan ng cartelization, overpricing at price manipulation.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply