Dole mag-iimbestiga sa Keppel Subic Shipyard tragedy

MAGSASAGAWA ngayon ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (Dole) ang posibleng paglabag sa safety standard sa naganap na aksidente na ikinamatay ng limang trabahador sa shipyard sa Subic, Zambales kahapon (Oktubre 7).

Katuwang ng Dole sa pagsasagawa ng imbestigasyon ang Subic Municipal Government at Philippine Economic Zone Authority na siyang may saklaw sa naturang shipyard.

Tutulong din ang ang Dole sa pag-alalay sa pagkuha ng mga benepisyo ng mga biktima kung miyembro ang mga ito ng ng SSS.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Subic, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Keppel Subic Shipyard sa Zambales.

Limang trabahador ang agad na nasawi sa pangyayari ng mabagsakan ang mga ito ng tone-toneladang bakal.

Habang abala umano ang mga trabahador ng Keppel Subic Shipyard ay biglang bumaluktot at nabali ang scaffoldings na pinapatungan naman ng steel platform hanggang sa tuluyan itong bumagsak at nadaganan ang ilang trabahador sa ilalim nito.

Ang steel platform ang nagsisilbi umanong tulay ng mga trabahador na kumukumpuni sa mga sirang barko na nakadaong.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ronald Lara, Jaylord Reyes, Glen Miranda, Chris Papna at Mark San Jose.

Walo pa ang inoobserbahan  sa ospital  kung saan ang apat dito ay may severe injury, ang dalawa ay may fracture sa bungo at dalawa rin ang may head injury na bagama’t stable na ang kondisyon ay  binabantayan pa rin  mga doktor.

Kaugnany nito, nangako naman ang pamunuan ng Keppel na tutulong sa isinasagawang imbestiagsyon at sasagutin ang mga expenses ng mga biktima.

Samantala, pinatigil na rin ni Subic Mayor Jay Khonghun ang operasyon ng Keppel dahil sa trahedya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply