Dole tutol na bawasan ang work hours ng buntis

MAHIGPIT na tinututulan ng Department of Labor and Employment (Dole) ang panukala ni Bacolod City Rep. Anthony Rolando Golez Jr., na bawasan ng dalawang oras ang pasok ng mga empleyadong buntis.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na sapat na ang mga benipisyong ibinibigay sa kasalukuyan sa mga buntis.

Ipinaliwanag ni Baldoz, na wala naman siyentipikong basehan na may masamang epekto ang walong oras na pagtatrabaho sa mga nagdadalang tao.

Batay sa House Bill 5031 ni Golez o “Pregnant Women Workers Act,” kinikilala nito ang kasagraduhan ng buhay pampamilya at binibigyan ng sapat na proteksyon ang ginang at ang ipinagbubuntis nito

Nakasaad sa panukala ang kahalagahan ng pamilya at pantay na proteksyon sa ina at sa ipinagbubuntis nito.

Layunin nito na maiwasang malantad sa stress ang mga buntis na nakaaapekto sa kanilang mga sanggol.

Sa ilalim ng panukala, tatanggap pa rin ng kaparehong sahod ang mga buntis na ibinibigay sa nagtatrabaho ng walong oras.

Giit ng mambabatas, mahirap ang buhay sa kasalukuyan kaya ang tradisyunal na ang lalaki lamang ang nagtatrabaho ay hindi na uso.

Ayon kay Golez, sa ngayon ang mga babae, maging dalaga o may-asawa ay bahagi ng work force ng bansa at kahit buntis ay napipiltan pa ring maghanapbuhay kaya nahaharap sa lahat ng uri ng stress na pwedeng makaapekto sa kanilang sanggol.

Dagdag pa ni Golez, kailangan ng karagdagang pahinga ang mga buntis upang maka-iwas sa komplikasyon dala ng pagdadalantao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply