Dolphy, na-ICU dahil sa problema sa baga

NILINAW ngayong umaga ng isa sa mga anak ni Dolphy (Rodolfo V. Quizon sa totoong buhay) na nakalabas na ng intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Metro Manila ang Comedy King.

Ito ay upang malinawan ang kumakalat na balitang malala ang kalagayan ni Dolphy na isinugod kamakalawa ng gabi (Sabado, Oktubre 29) sanhi ng pananakit ng likod at dahil nahihirapang huminga.

Ayon sa anak nitong si Vandolph, nagpapagaling na lamang ang kanyang ama pero sa mga oras na ito ay  nailipat na ito sa regular room.

Nagkaroon lang umano ng kaunting problema sa baga ang batikang komedyante.

Kasabay nito ay inihayag ni Vandolph na bumubuti na ang kondsiyon ng kanyang ama at inaasahan nilang makalalabas na ito ng ospital ngayong linggo.

Sa kabila nito, nanawagan din ito sa publiko na patuloy na ipagdasal ang King of Comedy para sa mabilis nitong paggaling.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply