Donaire atat sa church wedding

SOBRANG excited na si boxing champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. sa kanilang nalalapit na church wedding ng misis niyang si Rachel.

Nasa Pilipinas na si Donaire para sa final arrangements ng kanilang kasal.
Si Donaire, na sariwa pa sa matagumpay na  title defense laban kay Omar Narvaez ng  Argentina, ay ikakasal na sa simbahan kay Rachel sa November 11, dalawang araw bago ang pakikipagbangasan ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez.

“Ilang linggo na lang,” wika ni Donaire. “Magpapakasal na kami ng misis ko sa simbahan kasama ang mga lola at mga lolo, mga tita at tito.”

Ayon kay Donaire, nais lang niyang masunod ang Filipino tradition na kinailangang magpakasal sa simbahan para mabasbasan ng Maykapal.

“So that’s what we want to do, to get married in front of God,” pahayag niya.
Ang WBC at WBC bantamweight king ay nagkaroon rin ng appearance sa isang television show.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply