Donaire nanatiling WBC/WBO champion

MATAGUMPAY na naidepensa ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang kanyang World Boxing Council (WBC) and World Boxing Organization (WBO) bantamweight belts laban kay Omar “El Huracan” Narvaez ng Argentina.

Ginanap ang laban sa Madison Square Garden sa New York, USA, napanood Pilipinas alas 10:15 kaninang umaga.

Sa unang dalawang round ay lamang si Donaire laban kay Narvaez na wala pang talo sa 37 fights.

Pero sa sumunod na mga round, kahit kinapos ng lakas si Donaire nang umepekto ang pang-uubos ng lakas ng Argentinian boxer ay nakakapuntos pa rin ang boksingero.

Sa huli, naging matagumpay ang boksingero nang talunin ang kalaban via unanimous decision sa iskor na 120-108.

Marami namang manonood ang dismayado sa laban nang walang makitang mainit na bakbakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply