Donaire no.4 pound-for-pound boxer

MULING napataob ni Manny Pacquiao sa welterweight level ang katunggali niya sa pound-for-pound ranking na si Floyd Mayweather, Jr.

Sa inilabas na panibagong ranking ng isang website, numero uno pa rin si Pacquiao habang si Mayweather ay pumangalawa sa kanya.

Si Sergio Martinez naman ay hari sa middleweight habang pang-apat si Nonito Donaire na nasa hanay ng bantamweight.

Samantala, panglima si Juan Manuel Marquez na nasa junior welterweight at pang-anim si Wladimir Klitschko na isang heavyweight.

Sumunod naman sina Carl Froch (super middleweight), 7th; Andre Ward (super middleweight), 8th; Vitali Klitschko, heavyweight, 9th; Pongsaklek Wonjongkam (flyweight), 10th at iba pa.

Ang biktima naman ni Donaire na si Fernando Montiel (junior featherweight) ay nalugmok sa ika-20 at pang-20 naman si Abner Mares (bantamweight).

Kasabay nito, ang honorable mentions ay sina Brandon Rios, Mikkel Kessler, Juan Manuel Lopez, Erislandy Lara, Paul Williams, Chris John, Robert Guerrero, Marcos Maidana, Joseph Agbeko, Orlando Salido, Andre Dirrell at Toshiaki Nishioka.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply