Donaire tagilid kay Nishioka

NANINIWALA ang maraming kritiko na mahihirapan si WBC at WBO bantamweight champion Nonito Donaire Jr. sakaling matuloy ang laban niya kay Japanese boxer Toshiaki Nishioka.

Ayon kay Japan-born photographer/ sports analyst Naoki Fukuda, sa ipinakita ni Donaire sa laban kay Argentinean Omar Narvaez ay maaaring mahirapan ito kay Nishioka.

Nadepensahan ni Donaire sa pamamagitan ng unanimous decision ang kanyang korona laban kay Narvaez.

“It was one of the patterns that I could predict,” ayon kay Fukuda. “Because Narvaez, with his accurate guard, put his heart and soul into a defensive posture, so I think that there was nothing [for Donaire] to do.”

Si Fukuda  ay dating amateur boxer noong kanyang kabataan at naging photographer nang maglaon.

Ayon kay Fukuda, atat na siyang mapanood ang laban ni Donaire kay Nishioka na kasalukuyang WBC junior featherweight champion.

Magugunitang nanalo rin si Nishioka kay Rafael Marquez sa pamamagitan ng unanimous decision noong nakaraang buwan sa MGM Grand sa Las Vegas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply