DoTC ‘Oplan Undas’ nakakasa na

IKINASA na ng Department of Transportation and Communication (DoTC) ang Oplan Undas para siguruhing ligtas at mapayapang makararating sa patutunguhan ang mga motorista.

Ayon kay DoTC Secretary Mar Roxas, mahigpit na seguridad ang ilalatag sa mga paliparan, daungan at maging sa mga istasyon ng bus sa Undas.

Ayon pa sa kalihim, marapat lamang na gumawa ng mahigpit na pagbabantay sa mga istratehikong lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na inaasahang dadagsa sa pagtungo sa kani-kanilang lugar para gunitain ang pagyao ng kanilang mahal sa buhay.

Maging ang mga istasyon ng MRT, LRT, bus at ang kalsada ay dapat na maging alerto ang mga awtoridad dahil sa posibilidad na samantalahin ito ng masasamang loob.

Nauna rito, nagtakda ng rerouting scheme ang mga lokal na pamahalan gaya sa Lungsod ng Mandaluyong, San Juan at Marikina para matiyak na maging maayos ang daloy ng trapiko lalo sa
malapit sa mga sementeryo.

Kaugnay nito, magsasagawa rin ng taunang ‘Lakbay Alalay’ ang mga miyembro ng Pugad Lawin Philippines Inc., isang socio-civic organization, sa pamumuno nina national president, Engr. William Juan at PL sa Quirino president Fil Denoso.

Pinaalalahanan din ni Engr. Juan, na miyembro ng Electrical Engineers Association of the Philippines, ang publiko na nakabubuting isaalang-alang ang ilang safety tips gaya ng pagtiyak na hindi umaandar ang electrical appliances bago umalis ng bahay para maiwasan ang sunog na madalas nagreresulta sa trahedya at pagkaabo ng ari-arian

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply