DOTC tiniyak ang kahandaan ngayong Undas

INALERTO na ng Department of Transportation (DOTC) ang iba’t ibang sangay ng transportasyon upang tiyakin ang ligtas na paglalakbay ng mga pasaherong daragsa para umuwi at dumalaw sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Kabilang na rito ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Light Rail Transit Authority (LRTA), Philippine National Railways at Manila International Airport Authority (MIAA).

Nagsanib puwersa na ang iba’t ibang ahensya para ipatupad ang Oplan Ligtas Undas” at sinimulan na nila ang paged-deploy ng kanilang mga tauhan upang mapaglingkuran ang publiko.

Samantala, nagtalaga na si DOTC Secretary Mar Roxas ng limang pribadong helicopter na naka-antabay para sa mga emergency cases. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply