Double layered seawall aprub sa DPWH

TINIYAK naman ng Manila City hall, DPWH at Metro Manila Development Authority na mas matibay ang itatayong sea wall sa Bay Walk sa Roxas Boulevard matapos wasakin ng bagyong Pedring noong isang linggo.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang repair ng sea wall ay hindi lamang sesentro sa tibay kundi na rin sa pagpapabuti ng disenyo base na rin sa design na isinumite ng mmda sa DPWH.

Base sa design, pareho din ang taas nito sa dati subalit ang kapal ay gagawing isang metro mula sa dating 70 centimeters at gagawin itong double-layered at ito ay magkakahalaga ng tatlumpong milyong piso

Maglalagay ng mga tulay na mag-uugnay sa double-layered seawall na magagamit na promenade ng mga namamasyal doon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply