Double-layered seawall iminungkahi ng MMDA

IMINUNGKAHI ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang double-layered na seawall ang isumiteng disenyo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa nasirang seawall sa Roxas Boulevard.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang  disenyo ay hango sa ibang mga seawall sa ibang bansa na posibleng i-apply sa nasirang seawall.

Sinabi ni Tolentino na kapag pumasa ang naturang disensyo sa DPWH ay tutulong din sila sa pagpapagawa nito.

Matatandaang nasira ang seawall sa Roxas Boulevard noong kasagsagan ng bagyong “Pedring.”

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino sa DPWH na imbestigahan ang napaulat na pagbabago sa design ng seawall sa Roxas Boulevard.

Ang sinasabing modification ay dahilan umano kaya nag-collapse ang pader nang tamaan ng mala-tsunaming along dala ni bagyong “Pedring.”

Sinabi ng Pangulo na nais niyang malaman kung bakit binago at kung sino ang nagbigay ng utos para baguhin ang desenyo ng seawall.

Ayon naman kay Transportation Secretary Manuel Roxas II, may natanggap siyang report na ang original design ng seawall ay kayang pabalikin din sa dagat ang alon na tatama sa Manila Bay.

Inihayag naman ni Public Works chief Rogelio Singson na posibleng sa nakaraang dekada naganap ang modification.

Ipinanukala rin nito ang 50-year study sa seawall bilang bahagi sa gagawing long-term solution.

Ngayong araw isusumite ng MMDA ang kanilang proposal sa DPWH at Manila City government patungkol sa plano nilang pagbabago sa konstruksiyon ng sea wall.

Kung maaalala, naglagay ng sandbag sa paligid ng baywalk na pananggalang muna sa malalaking alon upang hindi bumaha sa nasabing lugar habang isinasagawa ang rehabilitasyon.

Nangangailangan umano ng P30 million ang DPWH upang maisaayos ang baywalk habang tinatayang nasa P10 million hanggang P15 million ang pondo na kailangan ng city government ng Maynila para sa rehabilitasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply