Double victory ng PAF volley teams

DINUROG ng Philippine Air Force men’s volleyball team ang Perpetual Help sa 2011 National Volleyball Championship habang hiniya ng Far Eastern University ang Voyagers sa four sets na sinundan ng pagwawagi ng National University tossers kontra sa Angeles University Foundation Cabalens.

Kasunod ng unang panalo PAF laban sa AUF, itinala ng defending champions Airmen ang 25-21, 25-21, 25-13 panalo sa paluang ginanap sa Ninoy Aquino Stadium kahapon (Oktubre 4). Ang mahinang depensa sa net ng Perpetual Help ay sinamantala nina Dante Alinsunurin at Rhanyl Verayo.

Ang PAF volleybelles ay nakapagtala rin ng kanilang unang panalo nang paluhurin ang Adamson sa three straight sets na 25-17, 25-23, 25-23.

Ang FEU ay nagrehistro ng 25-19, 19-25, 25-21, 25-21 panalo kontra sa Voyagers habang 25-22, 19-25, 25-18, 25-20 ang set scores na ipinanalo ng National University laban sa inaalat na Angeles University Foundation volleyball team.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply